WUDU

 WUDU

Ang Wudu’ ay isang pamamaraan ng paglilinis sa ilang ng katawan bilang pang- espiritwal na kadalisayan sa pamamagitan ng malinis na tubig. ito ay isang patakaran bago mag-alay ng Salah.
Si Propeta Muhammad ay nagsabi: (Walang Salah (na tatanggapin ng Allah) para doon sa mga hindi nagsasagawa ng Wudu’) (Ahmad).

 WUDU mga hakbang:
1.Bigkasin ang BISMILLAH. ang kahulugan ay "Sangalan ni Allah”. Hugasan ang dalawang kamay ng malinis na tubig.



2.Magmumog sa pamamagitan ng pagpapasok ng tubig sa loob nito at pagsinga (3x).



3.Linisin ang ilong sa pamamagitan ng pagpapasok ng tubig sa loob nito at pagsinga (3x).




4.Hugasan ang buong mukha (3x).



5.Hugasan ang mga kamay at braso hanggang sa siko (3x). Mag-umpisa sa kanan.



6.Ihaplos ang basang kamay sa ulo mula sa noo hanggang sa batok at ibalik mula sa batok hanggang sa noo at haplusin ng hintuturo ang loob ng tainga habang pinadadaanan nang minsan ng hinlalaki ang likod ng tainga.


7.Hugasan ang dalawang paa hanggang sa bukong-bukong (3x). Unahin ang  kanang paa.



Pagkatapos gawin ang mga nabanggit sa itaas, iminumungkahing bigkasin ang Shahadatayn:
"Ashhadu Allaa Ilaha Illal LaahWahdahu La Shareeka Lah Wa Ashhadu Anna Muhammadur Rasoolul Laah"


















 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.