Ang mga Muslim sa buwan ng Ramadan ay
hindi lamang umiiwas mula sa pagkain, inumin at pakikipagtalik sa asawa mula sa
madaling araw hanggang sa paglubog ng araw, bagkus umiiwas din mula sa mga
makasalanang layon at pagnanasa.
Ito ay nagtuturo ng pagmamahal, katapatan at
kabanalan. Pinauunlad nito ang panlipunang kaalaman o kahalagahan ng
pag-aayuno, nagtuturo ng pagtitiis, kabaitan at tibay ng loob.