ANG ISLAM AT ANG MGA MUSLIM

Ang Muslim ay isang naniniwala at
nananalig sa Diyos at nagsusumikap na magampanan at maisaayos ng ganap ang
kanyang buhay ayon sa ipinahayag na patnubay (Qur’an) at mga aral (Sunnah) ng
Propeta.
Ang salitang “Allah” ay pantanging ngalan ng
Diyos sa wikang arabik. Ito ay isang unikong kataga sapagka’t ito ay hindi
nasasangkot sa pangmaramihan o sa anumang kasarian.
ANG PAGPAPATULOY NG PAHAYAG

Ang Islam na ipinahayag kay Propeta Muhammad ay kabuuan ng mga naunang mensahe, kaya naman, ito ay malawak sa anyo, ganap at nasa pinakahuling yugto sapagka’t ito na ang wakas na Kapahayagan ng Diyos sa Sangkatauhan.
TAO BILANG MALAYANG NILIKHA

Ang tagumpay at
kaligtasan ng tao ay nakasalalay sa pagsunod dito. Nagtuturo ang
Islam na ang personalidad
ng
tao ay sagrado at nanghihikayat ng pantay na karapatan sa lahat ng tao at walang
sinumang
itinatangi o kinikilingan batay sa lahi, kasarian o kulay.

ANG QUR’AN AT ANG HADITH
Ang Banal na Qur’an ay pinakahuling
Salita na ipinahayag ng Diyos at siyang pangunahing pinagkukuhanan ng Bat
as at
Aral ng Islam. Ang Qur’an ay humahalaw at sumasakop tungkol sa mga batayan ng
pananampalataya (ang
Islam), kagandahang-asal, mga kasaysayan ng sangkatauhan, pagsamba, kaalaman,
ugnayang tao at Diyos at sa lahat ng
aspeto ng buhay.
Ang Hadith ay mga aral, sawikain at
gawain ng Propeta Muhammad na maingat na isinalaysay at tinipon ng kanyang
matatapat na mga kasamahan. Ito ang nagpapaliwanag sa mga talata ng Banal na
Qur’an.
ANG KONSEPTO NG PAGSAMBA
Ang Islam ay hindi lamang nagtuturo ng
mga rituwal. Higit na pinagtutuunang pansin ang mabuting layunin at mabuting gawain. Ang
pagsamba sa Allah ay pagpapahiwatig ng tamang pagkilala at pagmamahal sa Kanya,
ang
maging masunurin sa Kanyang mga itinakdang batas sa bawa’t aspeto ng buhay.
ISLAM: ANG PAMAMARAAN NG BUHAY
Ang Islam ay nagbigay ng isang kabuuang
alituntunin sa lahat ng tao upang sundin sa lahat ng kalakaran ng buhay. Ang
alituntunin ay sadyang malawak at binubuo ng panlipunan, pangkabuhayan,
pampulitikal na adhikain, kagandahang-asal at ispirituwal na aspeto ng buhay.
Itinatagubilin ng
Qur’an sa tao ang
tunay na layunin ng kanyang pansamantalang buhay sa daigdig, ang
kanyang mga tungkulin sa kanyang sarili, sa mga kamag-anakan, sa kanyang
pamayanan at kapwa tao at higit sa lahat sa kanyang Tagapaglikha.
TAWHEED ANG KAISAHAN NG ALLAH
1) TAWHEED
Ar-RUBUBIYAH
Ang Twhid Ar-Rububiyah ay ang
paninindigan sa Kaisahan ng Allah sa lahat ng kanyang mga gawa katulad ng
matutunghayan sa Banal na Qur’an:
Ito ay nangangahulugan na pinangyayari ng Allah
na
maganap ang
lahat ng bagay. Siya ang
nagtutustos at nagpapanatili sa mga nilikha. Siya ang nag-iisang
Panginoon
ng sanlibutan, wala Siyang pangangailangan kaninuman bilang katulong. Siya ang may
kakayahan sa lahat ng bagay.
2) TAWHEED
AL-ULUHIYAH
Ito ang malaon ng pinagtatalunan sa iba't ibang
yugto ng panahon hanggang sa kasalukuyan. Binibigyan-diin nito ang
kahalagahan ng paniniwala na ang Allah ang Tanging nag-iisang Diyos na Siyang may
karapatan sa lahat ng gawaing pagsamba katulad ng panawagan, pangako, pag-aalay
ng hayop, pag-asa, pagkatakot, pagtitiwala, pagnanais, at pagsisisi. Ang bawa't
isa sa mga ito ay pinatutunayan ng mga babala sa Banal na
Qur’an.
3) TAWHEED
AL-ASMAA WA ASSIFAAT
Ito ay nangangahulugan ng pagpapatunay sa
lahat ng Pangalan at Katangian ng Allah, na hindi binibigyan ng ibang
kahulugan, o pinapalitan, o binabago, atbp.Ang Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an: